^

Probinsiya

Mag-ama na hindi nagbabayad ng utang, pinatay

-
SARIAYA, Quezon – May posibilidad na malaking salapi ang inutang at hindi kaagad nabayaran ang naging dahilan para pagbabarilin hanggang sa mapatay ang mag-ama ng dalawang kapitbahay habang ang mga biktima ay nagbibisikleta papauwi sa Barangay Lutucan sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Binistay ng bala ng baril ang katawan nina Florencio Armamento, 33 at Erica, dalawang taong gulang at residente ng nabanggit na barangay.

Nakilala naman ng mga nakasaksi sa krimen ang mga suspek na sina Charlie Driz at Jonathan Arellano ng Barangay Guis-guis sa bayang ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-nuwebe ng umaga habang nagbibisikletang namamasyal ang mga biktima.

Natiyempuhan naman ng mga suspek ang matandang Armamento kaya isinagawa ang krimen pero nadamay ang anak nito.

Napag-alaman pa ng pulisya na pinagbabantaan na ang biktima ng mga suspek tungkol sa malaking salapi na hiniram nito at hindi pa nabayaran kaya marahil nairita ang dalawa at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ARMAMENTO

BARANGAY GUIS

BARANGAY LUTUCAN

BINISTAY

DRIZ

FLORENCIO ARMAMENTO

JONATHAN ARELLANO

NAKILALA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with