^

Probinsiya

5 kabataan hinalay ng 9 bagets

-
CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga - Limang menor-de-edad na babae ang iniulat na hinalay ng siyam na tinedyer sa ginanap na initiation rites ng fraternity sa bakanteng bahay sa kahabaan ng Maligaya Street, Barangay San Nicolas sa lungsod na ito noong Pebrero 25 at 28, 2003.

Sinabi ni SPO4 Teresita Ponseca ng PNP Women’s and Children’s Protection Desk na nagsipagtago na ang mga suspek na may edad na 14 hanggang 16-anyos.

Samantala, ang mga biktima na may edad 12 hanggang 15 ay pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan.

Nabisto ang pangyayari makaraang ikuwento ng isang biktima sa kaibigang naging biktima rin na sumapi sa "Wild Child" fraternity.

Isiniwalat ng mga biktima na hinikayat sila ng mga suspek para sumapi sa fraternity para may makilalang maraming miyembro, ngunit piniringan sila sa mata bago dalhin sa naturang lugar.

Pinagbantaan pa ang mga biktima na may mangyayaring masama sa kanila kapag ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari.

Hindi naman nila malaman kung sinu-sino sa mga suspek ang nagsagawa ng maitim na balak at kung may madakip man ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development ((DSWD) rehabilitation center sa bayan ng Magalang. (Ulat nina Ding Cervantes at Pesie Meñoza)

vuukle comment

BARANGAY SAN NICOLAS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DING CERVANTES

ISINIWALAT

MALIGAYA STREET

PESIE ME

PROTECTION DESK

TERESITA PONSECA

WILD CHILD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with