4 pulis kritikal sa ambush ng NPA
March 4, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Apat na alagad ng batas mula sa Magallanes police station kabilang na ang kanilang hepe ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang sakay ng mobile car at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Talipusngo sa hangganan ng Magallanes at Maragondon, Cavite kahapon.
Nasa San Lorenzo Hospital ang mga biktimang sina P/Insp. Mamerto Malubay, Magallanes chief of police; SPO1 Ronaldo Ebeya, SPO1 Renato Bergado at PO1 Ronald Manalo.
Sa inisyal na ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Roberto Rosales, provincial police director, naitala ang pananambang dakong ala-1:30 ng hapon habang patungo ang mga biktima sa Maragondon para magsagawa ng operasyon laban sa namataang mga armadong kalalakihan.
Hindi naman inakala ng apat na pulis na inabangan na sila ng mga rebelde kaya naganap ang pangyayari at mabilis namang nagsitakas sa pag-aakalang napatay nila ang mga biktima.
Ayon pa sa ulat, kahit na sugatan ay nakuha pang makapagradyo sa himpilan ng pulisya kaya nasaklolohan ang mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Victor Martin | 22 hours ago
By Omar Padilla | 22 hours ago
Recommended