^

Probinsiya

2 estudyante nalunod sa mahiwagang lawa

-
ILIGAN CITY, Lanao del Norte – Dalawang estudyante mula sa Bunawan High School ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa mahiwagang lawa na sakop ng Barangay Hindang sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon. Kinilala ng mga opisyal ng Bunawan High School ang mga biktimang sina Shelly Mae Agbay, 13, at Maricel Enoc, 17, kapwa residente ng Barangay Bonbonon at mga scholar ng Iligan Cement Corp.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, inorganisa ni Jelson Nicholas, organizer ng hiking ng mga estudyante sa mahiwagang Hindang Falls. Bandang alas-10 ng umaga nang magtungo ang mga biktima sa lawa nang walang paalam at hindi bahagi ng hiking. Ilang minuto pa ay nawawala na sina Agbay at Enoc, ngunit ang kasamahang si Shirley Quidlat, 16, ay nakalangoy sa pampang kaya kaagad nitong ipinagbigay-alam ang pangyayari. Unang narekober ang bangkay ni Agbay at nakalipas ang isang oras ay si Enoc naman ang narekober matapos na maghulog ng barya sa lawa ang ilang residente tanda na nakikiusap na palutangin ang katawan ng bata, ayon sa matatandang kasabihan. (Ulat ni Lino dela Cruz)

AGBAY

BARANGAY BONBONON

BARANGAY HINDANG

BUNAWAN HIGH SCHOOL

ENOC

HINDANG FALLS

ILIGAN CEMENT CORP

JELSON NICHOLAS

MARICEL ENOC

SHELLY MAE AGBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with