P2-M ransom sa kinidnap na professor ng MSU
March 3, 2003 | 12:00am
ILIGAN CITY, Lanao del Norte Handang makipagnegosasyon ang mga opisyal ng Mindanao State University (MSU) at kapulisan sa mga kumidnap sa professor makaraang humingi ng P2-milyon ransom kapalit ng kalayaan ng biktima.
Sinabi ni Flora Manulat, asawa ng kinidnap na si Rhede Nelson Manulat na nakipag-ugnayan na ang mga kidnaper sa kanya sa pamamagitan ng cellphone bandang alas-10:30 ng umaga kahapon para ipa-follow-up ang hinihinging ransom.
Ipinaabot naman ni Flora kay Dr. Camar Umpa, presidente ng MSU ang mensahe ng mga kidnaper kaya naman gumagawa na ng paraan para ayusin ang negosasyon sa hindi binanggit na lugar.
Nanindigan naman si Dr. Umpa na "no ransom" policy ang ipatutupad, ngunit ginagawa nila ang lahat ng paraan para makontak ang mga kidnaper.
Inilarawan ni Prof. Manulat sa kanyang asawa na ang mga kidnaper ay kabilang sa 31 dating MSU security guard na sinibak sa puwesto at humihiling na ibigay ang sahod na hindi naibigay. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended