Van nahulog sa bangin: 3 dedo, 8 grabe
March 3, 2003 | 12:00am
BAGUIO CITY Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, walo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang van na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Kennon Road patungong Baguio City kahapon ng madaling-araw.
Kaagad na namatay sina Silvestre Ramirez, Arget Ranete at Perry Lazo matapos na dumaan ang sinasakyang Toyota Lite Ace (XST-793) sa pakurbadang kalsada malapit sa bantog na Lions Head.
Samantala, sina Juliet Ranete, Zaldy Cruz, driver ng van; Archie Ranete, Princess Lazo, Pablo Islan, Arjay Ranete, Fely Lazo at Cindy Gabriel ay pawang nagmula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at ngayon ay inoobserbahan sa ospital.
Sa ulat ng Office of Civil Defense-Cordillera, naitala ang aksidente bandang alas-5 ng madaling-araw habang paakyat ng Baguio City ang van.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng problema ang makina ng van kaya hindi kaagad nakabig ng driver papalayo sa pakurbadang kalsada at bumulusok mula sa may 200 metrong lalim ng bangin.
Napag-alaman pa sa mga kaanak na ang grupo ay balak na saksihan ang pagsasara ng seremonya ng 8th Baguio Flower Festival kahapon at karamihan sa kanila ay mga first-timer na magtutungo sa nabanggit na lungsod.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Baguio City partikular na si Vice Mayor Lourdes Tabanda. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest