12-anyos ni-rape sa harap ng 2 utol

JABONGA, Agusan del Norte Brutal na hinalay ang isang 12-anyos na batang babae ng kanilang kapitbahay na lalaki sa harap mismo ng kanyang dalawang kapatid na babae sa palayang sakop ng Sitio Catayuog, Barangay Bunga, Jabonga, Agusan del Norte kamakalawa.

Base sa ulat ng pulisya, magkakasamang naglalakad patungo sa bahay ng kanilang lolo ang magkakapatid nang harangin ng suspek na si Danilo Florecondia.

Kaagad na hinatak ng suspek ang biktima sa madamong lugar at isinagawa ang maitim na balak sa harap mismo ng kanyang dalawang utol na paslit.

Babagsakan sana ng malaking bato ang ulo ng biktima ngunit umiiyak na nagmakaawa ang magkapatid kaya hindi naituloy ang malagim na krimen at sa halip ay tumakas ang suspek. (Ulat ni Ben Serrano)

Show comments