Ito ang naging pahayag ni Deputy Director General Edgar Aglipay na kasalukuyan din commander ng Task Force Mindanao.
Aniya, kontrolado pa rin ng kapulisan ang sitwasyon sa rehiyon at kapag maipatupad na ang curfew ay walang magaganap na paglabag sa karapatan-pangtao ng mga mamamayan sa Mindanao.
Nag-ugat ang planong curfew sa Metro Manila matapos na sabunin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si PNP chief Director General Hermogenes Ebdane na tumataas ang bilang ng krimen sa ibat ibang bahagi ng Kamaynilaan. (Ulat ni Danilo Garcia)