Tiwala ang Pangulo sa kakayahan ng tropa ng militar na nakasabe sa Mindanao na tapusin ang itinakdang misyon na itinulad sa pagsakop ng mga sundalo sa Buliok Complex sa Pikit, Cotabato sa loob lamang ng 3-araw.
Ang kautusan ni Pangulong Arroyo ay bunsod ng pahayag ni ex-US Ambassador Frank Wisner na humingi ng tulong ang gobyerno sa America para lumahok sa sagupaan laban sa Abu Sayyaf sa Sulu.
"Kayang tapusin ng militar ang Sayyaf sa loob ng tatlong buwan kung may sapat na pondo at iba pang suportang pang-militar", ani ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na kasalukuyang nagsasagawa ng konsultasyon sina ARMM Governor Parouk Hussien at Sulu Governor Yusef Jikiri sa mga mamamayan kung papayag na lumahok ang mga sundalong Kano laban sa mga teroristang Abu Sayyaf.
Aniya, ang ginagawang pagsasanay ng militar sa Zamboanga ay saklaw ng US$20-milyong pondo na hiwalay sa magkasanib na pagsasanay sa Sulu.
Wala naman itinakdang panahon ang Pangulo sa MILF para manumbalik ang peace talks. (Ulat ni Lilia Tolentino)