Duguang iniwan ng mga holdaper ang bangkay nina Randy Cortezano, driver at kasamahang si Amado Yap, samantala, kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa San Pablo District Hospital ang isa pang pahinanteng si Ray Culvito na pawang residente ng San Isidro Balagbag, San Pablo City.
Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, naitala, ang pangyayari bandang alas-siyete ang gabi habang nagmamaneho ng truck (WSL-797) patungong San Pablo City mula sa Padre Garcia, Batangas.
Ilan sa mga nakasaksi na pinara ng mga hindi kilalang lalaki ang truck ng mga biktima at sa pag-aakalang hindi mga holdaper ay sandaling huminto at tiwalang nagmagandang-loob na iangkas.
May teorya ang pulisya na hindi inakala ng mga biktima na holdaper ang kanilang naiangkas kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Tony Sandoval)