^

Probinsiya

2 todas sa holdaper

-
SAN ANTONIO, Quezon – Pinagtulungang barilin at saksakin hanggang sa mapatay ang driver, pahinante ng isang cargo truck ng tatlong holdaper makaraang makiangkas sa minamanehong sasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Barangay Loob sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Duguang iniwan ng mga holdaper ang bangkay nina Randy Cortezano, driver at kasamahang si Amado Yap, samantala, kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa San Pablo District Hospital ang isa pang pahinanteng si Ray Culvito na pawang residente ng San Isidro Balagbag, San Pablo City.

Sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, naitala, ang pangyayari bandang alas-siyete ang gabi habang nagmamaneho ng truck (WSL-797) patungong San Pablo City mula sa Padre Garcia, Batangas.

Ilan sa mga nakasaksi na pinara ng mga hindi kilalang lalaki ang truck ng mga biktima at sa pag-aakalang hindi mga holdaper ay sandaling huminto at tiwalang nagmagandang-loob na iangkas.

May teorya ang pulisya na hindi inakala ng mga biktima na holdaper ang kanilang naiangkas kaya naganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Tony Sandoval)

AMADO YAP

BARANGAY LOOB

PADRE GARCIA

RANDY CORTEZANO

RAY CULVITO

RICARDO PADILLA

SAN ISIDRO BALAGBAG

SAN PABLO CITY

SAN PABLO DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with