Barangay Chairman itinumba

LEGAZPI CITY – Hindi na binigyan pa ng pagkakataong mabuhay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo sa bahay ng biktima sa Barangay Taysan sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Dalawang bala ng kalibre. 45 baril ang tumapos sa buhay ni Ernesto Atento, 52, may asawa, samantala, ang mga killer na nagpakilalang collector ang RRS ay kaagad na tumakas matapos isagawa ang krimen dakong ala-1:30 ng hapon.

Nabatid sa ulat ng pulisya, ang dalawang maskaradong killer ay nagtungo sa bahay ng biktima para maningil ng pautang.

Kinuha naman ng biktima ang iniabot na resibo para rebisahin ngunit hindi pa nagtatagal ay umalingawgaw na ang dalawang putok ng baril na ikinasawi nito. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments