Magbayaw na pulis nagduelo; 1 patay
February 27, 2003 | 12:00am
BATO, CAMARINES SUR Nasawi noon din ang isang alagad ng batas matapos na makipagduelo sa kanyang bayaw na isa ring pulis dahilan sa mainitang pagtatalo sa personal na hidwaan ng kanilang mga misis sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng M14 rifle sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si PO1 Rubiento Lumaban, 40 anyos, may asawa, nakatalaga sa Minalabac Municipal police Station at residente ng Brgy. Tres Pares ng naturang munisipalidad.
Samantalang ang suspek ay nakilala namang si SPO1 Reynaldo Reyes, 49, may asawa at kapitbahay ng biktima.
Nabatid na magbilas ang dalawa dahilan sa magkapatid ang kanilang mga asawa.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi matapos na magtalo ang dalawa sanhi ng pagsusumbong sa mga ito ng kanilang mga misis na naunang nag-away.
Humantong umano sa paghahamon ng barilan ang mainitang komprontasyon sa pagitan ng biktima at ng suspek na lumabas ng kani-kanilang mga bahay.
Agad umanong bumunot ng baril ang suspek at inunahan na ang biktima.
Narekober ng mga rumespondeng awtoridad sa pinangyarihan ng krimen ang isang cal. 9 MM na pistola na pag-aari ng biktima at ang M14 garrand rifle na ginamit naman ng suspek sa pamamaslang.
Humihimas na ngayon ng rehas ng bakal ang suspek sa Bato Municipal Jail habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended