5 Sundalo patay; 5 pa sugatan sa MILF ambush
February 27, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Limang sundalo ang nasawi habang lima pa ang nasugatan matapos tambangan ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang reinforcement troops ng tropang gobyerno sa Tungawan, Zamboanga Sibugay nitong nakalipas na Martes ng gabi.
Nakilala ang mga nasawing sundalo na sina Sgt. Kiyap, Pfc. Bangkula Hussin, Pfc. Hadia Rodin, Pfc. Halma Adeyap at Pfc. Usin habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasugatan kabilang ang isang sibilyan na tinamaan ng ligaw na bala.
Batay sa report, bandang alas-10:30 ng gabi nang tambangan ng mga rebelde ang mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion (IB) sa Sitio Beverly, Brgy. Timbabawan, Tungawan ng nasabing bayan.
Sinabi ni Major Gen. Glicerio Sua, Chief ng Armys 1st Infantry Division (ID) sa Western Mindanao, bago naganap ang pananambang ay inatake muna ng mga rebeldeng MILF ang isang detachment ng militar sa isang liblib na lugar sa Tungawan.
Dahil dito, agad namang nagpadala ng reinforcement troops ang 1st ID mula sa 33rd Infantry Battalion subalit habang nasa daan ay inambush ang mga ito ng mga kalaban.
Napag-alaman na nagpaulan ng B40 rockets at assault rifles ang mga rebeldeng MILF sa tropa ng mga sundalo na lulan ng isang M35 truck na agad ikinasawi ng mga biktima habang lima pa ang nasugatan.
Ayon kay Sua, hindi pa mabatid kung ilan ang nasawi at nasugatan sa panig ng MILF matapos na gumanti rin ng putok ang kanyang mga tauhan.
Ang sagupaan ay humupa matapos na mabilis na nagsiatras ang mga rebelde na tumahak sa direksyon ng kagubatan.
Samantala, agad namang inako ni MILF Spokesman Eid Kabalu ang naganap na ambush kasabay ng pagmamalaking walong sundalo umano ang kanilang napatay at 11 ang nasugatan. Ang bagay na ito ay pinabulaanan naman ng militar. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 20, 2024 - 12:00am