^

Probinsiya

1 pang suspek sa New Year's eve bombing tiklo

-
TACURONG CITY, SULTAN KUDARAT – Matapos ang halos dalawang buwang pagtatago sa batas, nadakip ng mga awtoridad ang isa pa sa apat na suspek na sangkot sa madugong pambobomba sa isang shopping mall na ikinasugat ng 11 katao habang 34 pa ang nasugatan noong Disyembre 31, 2002 sa isinagawang operasyon sa lungsod kamakalawa.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Nestor Sañares, Central Mindanao Police Director ang suspek na si Mukaliden Maula Mama alyas Commander Moks, miyembro ng kilabot na Pentagon kidnap -for-ransom (KFR) gang na pinamumunuan ni Commander Tahir Alonto.

Ang suspek ay nadakip ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya matapos matunton ang pinagtataguan nito sa Purok Riverside, Brgy. Sadsalan, Lambayong, Sultan Kudarat.

Dinakip si Moks sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni 3rd Municipal Trial Court Judge Roberto Ayco na nahaharap sa kasong robbery in band at murder at walang inirekomendang piyansa kapalit ng kalayaan nito.

Base sa inisyal na tactical interrogation na isinagawa ng militar laban sa suspek, nabatid na ito’y isa ring miyembro ng 5th Battalion at Special Operations Group ng MILF na inatasan upang magsagawa ng pambobomba at kidnappings sa Central Mindanao.

Kabilang umano sa planong pasabugin ay ang General Santos City na magdaraos ng ika-64 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa darating na Pebrero 27 ng taong ito.

Inamin ng suspek ang kanyang partisipasyon sa pambobomba sa isang shopping mall sa Tacurong City at ang planong pagsasagawa ng pambobomba sa General Santos City sa utos umano ng liderato ng MILF gayundin ang pagkakasangkot ng grupo nito sa iba pang insidente ng pambobomba sa iba pang lugar sa Central Mindanao.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong multiple frustrated murder, multiple murder at multiple attempted murder laban sa nasakoteng bomber. (Ulat ni Boyet Jubelag)

vuukle comment

BOYET JUBELAG

CENTRAL MINDANAO

CENTRAL MINDANAO POLICE DIRECTOR

COMMANDER MOKS

COMMANDER TAHIR ALONTO

GENERAL SANTOS CITY

MUKALIDEN MAULA MAMA

MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE ROBERTO AYCO

NESTOR SA

PUROK RIVERSIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with