Napag-alaman kina Prudence M. Sanoy, chairman ng group contest category at Angelito Pineda, chairman ng individual news writing competition na aabot sa 16 Region kasama na ang ARMM ang lalahok na eskuwelahan.
Sinabi ni Virgilio Santos, national coordinator ng news writing contest ng Department of Education (DepEd) na ihahayag bukas ang mga nanalong kalahok sa school newspaper regional competition na napili na noong nakaraang Martes, Pebrero 18, 2003 sa Bulwagan ng Karunungan, Pasig City.
May mga kategorya ang isinagawang pagpili, ang 40 mamamahayag at patnugot sa ibat ibang pahayagan sa Metro Manila katulad ng school news writing, editoryal, sports news, lay-out structure, photo caption.
Ayon pa kay Ms.Prudence Sanoy, isasagawa ang actual na school news writing competition sa naturang lugar.
Ang nabanggit na news writing competition ay isa sa programa ng Department of Education (DepEd) na taun-taon ginaganap. (Ulat ni Mario D. Basco)