^

Probinsiya

5 Abandonadong kuta ng NPA natagpuan

-
CAMP NAKAR, Lucena City – Limang abandonadong kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang natagpuan ng mga elemento ng 76th Infantry Battalion Philippine Army (PA) sa kanilang patuloy na isinasagawang operasyon kamakalawa sa Brgy. Ilayang Bolo at Mabini na sakop ng Unisan, Quezon.

Ayon kay Major General Roy Kyamko, Southern Luzon Command (SOLCOM) commander, ang naturang kampo ay inabandona ng may anim na buwan matapos na magsagawa ng sunud-sunod na operasyon ang tropa ng militar.

Sinabi ni Lt. Col. Eliseo Posadas, 76th IB commanding officer na aksidente lamang ang pagkakatuklas sa mga kampo, nagsasagawa umano ng security operation sa dalawang magkalapit na barangay ang kanyang mga tauhan nang matuklasan ang mga kampo na napapalibutan ng mga matataas na punong kahoy at talahib.

May teorya ang militar na ang mga kampo ay ginamit ng mga rebelde sa kanilang pagsasanay ng mga bagong miyembro at kanlungan sa tuwing magbabalak ng panibagong operasyon laban sa mga sundalo. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AYON

ELISEO POSADAS

ILAYANG BOLO

INFANTRY BATTALION PHILIPPINE ARMY

LUCENA CITY

MAJOR GENERAL ROY KYAMKO

NEW PEOPLE

SOUTHERN LUZON COMMAND

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with