Dalawa sa apat na responsable sa pagpatay kay Cabuyao chief P/Supt. Eriberto Paglinawan ay inilarawan ng ilang testigo na nakatayo malapit sa kinaroroonan ng mga killer sa Barangay Lumil, Silang Cavite.
Ayon pa sa isang testigo na narinig nito ang isa sa mga killer na nagsabing "ang tagal naman dumating, naiinip na ko" na ang tinutukoy ay si Paglinawan ng Barangay Munting-Ilog malapit sa pinangyarihan ng ambus.
Napag-alaman na kagagaling lamang sa bahay ng kanyang kapatid na lalaki sa Silang, Cavite si Paglinawan at habang sakay ng Toyota Corolla (SDS-725) nang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa nabanggit na barangay.
Inilarawan ng mga testigo ang dalawang killer na nasa edad 25-30, may taas na 57" hanggang 58", mahaba ang buhok, medyo may kaliitan ang pangangatawan at ang ikalawang killer ay may edad na 21-25, may taas na 54"-55", maikli ang buhok at may puntong Luzon-Tagalog na may nakasukbit na baril sa beywang. (Ulat ni Arnell Ozaeta)