Mag-ina tiklo sa dinamita

IBA, Zambales – Dinakip ng mga tauhan ng 301st Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-ina makaraang salakayin at makumpiskahan ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng dinamita sa kanilang bahay sa Barangay Dingin sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mila Romamban, 59, fish dealer at anak nitong si Juanito, 37, dating marino at kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ipinalabas na search warrant ni Olongapo City Regional Trial Court, Branch 72 Jugde Eliodoro Ubiadas, sinalakay ang bahay ng mag-ina dakong alas-8 ng umaga.

Nakumpiska ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Eliseo Saquilayan, hepe ang 301st CIDG, ang 93 kilong ammonium nitrate, 93 pirasong blasting caps at limang pirasong detonating cord na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng dinamita at ipinagbibili sa mga mangingisda. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments