^

Probinsiya

2 patay; 3 pa sugatan

-
Zamboanga City Dalawa katao ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan kabilang ang dalawang opisyal ng pulisya makaraang lusubin ng mga ‘police commandos’ ang hideout ng mga armadong kalalakihan mula sa grupo ng H-World, isang pseudo military group sa baybayin ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Apat rin sa mga suspect ang nadakip habang nagtatangkang tumakas kaugnay na rin ng pinalakas na operasyon ng pulisya laban sa gun ban.

Kinilala ang dalawang nasugatang pulis na sina P/Chief Inspector Nixon Muksan at ang deputy nito na si Capt. Rodrigo Morano na nasugatan sa saglit na labanan.

Nakilala naman ang mga napaslang na suspect na sina Sanny Alih at Mohammad Nur habang ang sugatan ay si Julkanain Juhan.

Ang mga nadakip ay sina Jamaani Nadih, Mujan Sawajaan, Isan Halo at Ibs San.

Base sa ulat, naglunsad ng operasyon ang ‘police commandos’ sa ilalim ng 1st Mobile Group laban sa tinatayang 20 hanggang 40 armadong kalalakihan na namonitor ang pagpapalakas ng puwersa sa Brgy. Arena Blanco, may siyam na kilometro ang layo sa lungsod ng Zamboanga.

Sinabi ni P/Chief Inspector Antonio Clarito, Spokesman ng Zamboanga City Police at Operations Branch Commander na sumiklab ang labanan dakong 6:45 ng gabi sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga miyembro ng H-World United Nations Armed Forces, isang pseudo military group ng salubungin ng mga ito ng pagpapaulan ng punglo ang raiding team.

Ang nasabing grupo ay nauna ng napagkamalang mga miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf pero sa isinagawang beripikasyon ay nakumpirmang mga kasapi ang mga ito ng naturang pseudo military group.

Bunga ng sagupaan ay nagpanakbuhan ang ilang mga residente sa iba’t-ibang direksiyon.

Sinabi pa ng pulisya na ang mga suspect ay pawang mga tubong Sulu.

Nakatakda namang sampahan ng kasong frustrated murder at illegal possession of firearms ang mga suspect. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARENA BLANCO

CHIEF INSPECTOR ANTONIO CLARITO

CHIEF INSPECTOR NIXON MUKSAN

H-WORLD UNITED NATIONS ARMED FORCES

IBS SAN

ISAN HALO

JAMAANI NADIH

JULKANAIN JUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with