Kampo ng MILF/Pentagon KFR Gang nakubkob
February 15, 2003 | 12:00am
Matagumpay na nakubkob ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Rajamudah Complex, ang kampo na inookupahan ng nagsanib na puwersa ng mga separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang kung saan ay lumobo na sa 157 ang nasawi sa panig ng mga rebelde sa operasyon sa Pikit, Cotabato.
Sa pinakahuling ulat, inihayag ni AFP Spokesman Col. Essel Soriano na anim na sa mga sundalo ang nasasawi habang 44 lamang sa kabuuang bilang na 157 napaslang na rebelde ang narekober ang mga bangkay sa naturang sagupaan.
Buong pagmamalaking sinabi ni Soriano na nakubkob na rin ng militar ang ipinagtatanggol na kampo ng mga rebelde sa loob ng nasabing Complex nang mapilitang magsiatras ang mga rebelde dahilan sa patuloy na pambobomba at pag-atake ng tropa ng militar.
Dito rin natuklasan ng mga sundalo ang isang war factory ng naturang mga rebeldeng Muslim kung saan ginagawa ang mga baril at mga eksplosibo tulad ng bomba.
Nabatid na mismong si Defense Secretary Angelo Reyes na ang nagtaas ng bandila ng bansa sa loob ng naturang kampo matapos na mamayani ang lakas ng puwersa ng militar kontra sa mga kalaban.
Magugunita na sumiklab ang labanan ng habulin ng mga sundalo ang Pentagon KFR gang na nagkanlong sa kuta ng MILF.
Samantala, inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Sr. Supt. Leopoldo Bataoil na nagtatag na sila ng support force upang tulungan ang AFP kung saan ay inalerto ang lahat ng units ng Special Action Force (SAF) at Regional Mobile Groups (RMG) sa buong Central Mindanao upang sawatain ang posible pang pag-atake ng naturang grupo ng mga rebeldeng Muslim.
Kaugnay pa rin nito, sinabi naman ni MILF Spokesman Eid Kabalu na 47 pa lamang umano sa kanilang panig ang nasasawi at hindi ang mas malaking bilang na 157 na inihayag ng AFP.
Samantalang, ilan naman sa mga 41,099 evacuees ang nasasawi dahil sa pagkakasakit sa mga evacuation centers bunga na rin ng kakulangan ng pagkain, tubig at gamot.
Nabatid na buong Buliok Complex ang target mabawi ng militar habang patuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa kasalukuyan ay 80 porsiyento na ang nababawi ng militar sa buong Buliok Complex. (Ulat nina Danilo Garcia/Butch Quejada )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended