Sa binitiwang salita ni Fedy de Leon, tagapagsalita ng Jeepney-Traysikel Bulacan Transport Organization at Federation of Traysikel Operators and Drivers Association sa Malolos, hahadlangan nila ang balakin ng pamahalaan na alisin sa mga kalsada ang pumapasadang traysikel na hindi pumasa sa emission test dahil sa maliwanag na papatayin ng gobyerno ang kanilang kabuhayan.
Inirereklamo rin ng naturang asosasyon ang P300 bayad para sa emission test ng traysikel sa LTO at kapag hindi nakapasa ay muling magbabayad ng P150.00.
"Hindi makakayanan ng isang ordinaryong traysikel driver ang naturang halaga dahil sa maliit lamang ang kinikita nila", ani De Leon.
Sa ipinakalat na leaflet ng asosasyon, nakasaad na ang IMF-WB ang nasa likod ng pakana na sinang-ayunan naman ng gobyerno. (Ulat ni Efren Alcantara)