Testigo sa isang kasong pagpatay, itinumba
February 13, 2003 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Isang obrero na pinaniniwalaang testigo sa pulis na may nakabinbing kasong administratibo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay lulan ng pampasaherong bus kasama ang kanyang misis kamakalawa ng hapon sa Barangay Silangang Malicboy sa bayang ito.
Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Remegio Mendoza, 46 ng Barangay manlayo, Guinyangan, Quezon.
Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, Quezon police director, naitala ang krimen bandang alas-4 ng hapon.
Nabatid pa sa ulat na ang biktima ay testigo laban kay SPO1 Bebiano Hernandez na kinasuhan ng administratibo sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City.
Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman ang pagtestigo ng biktima laban sa kaso ni Hernandez. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest