^

Probinsiya

Habambuhay hatol sa trike killer

-
CITY OF MALOLOS, Bulacan – Habambuhay na pagkakulong ang inihatol ng mababang korte sa isang lalaki makaraang mapatunayang nakapatay sa trike driver noong Hulyo 1997 sa kahabaan ng DRT Highway na sakop ng Barangay Makinabang sa bayang ito.

Sa walong pahinang desisyon ni Malolos Regional Trial Court Judge Cesar Solis ng Branch 21, bukod sa hatol na habambuhay kay Andres San Jose ng Baliuag, Bulacan ay pinagbabayad pa ito ng P936,000 para sa limang taong kikitain ng biktima; P12,400 naman para sa funeral expenses at P50,000 para sa mga naulila ni Wilfredo Dela Cruz.

Base sa record ng korte, napatunayang sinaksak hanggang sa mapatay ang biktima saka tinangay ang trike, ngunit hindi binigyan ng timbang ng korte ang alibi ng akusado na wala siyang kinalaman sa naganap na krimen. (Ulat ni Efren Alcantara)

ANDRES SAN JOSE

BALIUAG

BARANGAY MAKINABANG

BULACAN

EFREN ALCANTARA

HABAMBUHAY

HULYO

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT JUDGE CESAR SOLIS

ULAT

WILFREDO DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with