^

Probinsiya

2 lalaki tiklo sa 2 kilong shabu

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Dalawang lalaki na pinaniniwalaang courier ng malaking sindikato ng droga ang inaresto ng mga alagad ng batas makaraang makumpiskahan ng tatlong kilong shabu sa krosing ng Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang mga suspek na kapwa tubong Marantao, Marawi City, Mindanao ay nakilalang sina Eric Munto, 27 at Daya "Michael" Omadan, 22 at residente ng Block 14 Lot 29 Monrovia Street, Sta. Rosa, Laguna.

Tumangging ibulgar ng dalawa ang pinagmulan ng tatlong kilong shabu na pinaniniwalaang ipakakalat sa Cavite at Laguna.

Sa nakarating na ulat kahapon kay P/Chief Supt. Enrique Galang Jr., CALABARZON regional director, nakipaghabulan ang dalawa sakay ng kotse sa pulisya makaraang umiwas sa itinayong checkpoint.

Nakorner ng mga awtoridad ang kotseng Mitsubishi Lancer na kulay pula at walang plaka ng mga suspek bandang alas-11:30 ng gabi at hindi na nakuha pang pumalag.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na hindi inakala ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Ramil Montilla, chief of police ng bayang ito na may dalang droga ang mga suspek.

Sa pagtatanong ng pulisya sa dalawa habang kinakapkapan kung may dalang baril, ngunit walang makuha pero sa pag-aakalang may itinatago ay binuksan ang likurang bahagi ng kotse at bumulaga ang mga plastic na naglalaman ng tatlong kilong shabu. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BARANGAY MABUHAY

CAVITE

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CRISTINA GO-TIMBANG

ENRIQUE GALANG JR.

ERIC MUNTO

MARAWI CITY

MITSUBISHI LANCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with