^

Probinsiya

11 bata todas sa tigdas outbreak

-
PALO, Leyte – Labing-isang bata ang iniulat na nasawi, samantala, 59 iba pa ang kasalukuyang inoobserbahan sa iba’t ibang ospital makaraang manalasa ang tigdas sa dalawang village sa Samar sa Tacloban City at dalawang barangay sa Babatngon, Leyte.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) regional office, naitala na 35 bata ang dinapuan ng tigdas, pito dito ang namatay sa Barangay Hitanasan Uno at Hitaasan Dos sa San Sebastian, Samar.

Base sa pagmamanman ng mga tauhan ni Dr. Nicolas Bautista, chief of the DOH Regional Epidemiology and Surviellance Unit (RESU), ang sakit na tigdas ay nanalasa sa mga Barangay Nagasaan at Biasong sa Babatngon, Leyte.

Sa Barangay Biasong, iniulat na 34 kaso ng tigdas ang biktima mula Oktubre 27, 2002 hanggang Enero 14, 2003.

Sa Tacloban naman, 4 sa 14 na bata ang iniulat na namatay sa tigdas sa anim na barangay na kinabibilangan ng Pilangi, San Jose, Basper, Paseo, Legaspi, Diit at San Isidro.

Isinisi naman ng mga residente sa mga health worker na hindi regular na bumubisita sa kanilang barangay para magbakuna.

Lumalabas din sa ulat na naapektuhan ng tigdas ang bayan ng Pinabacdao, Calbiga at Sta. Rita, Samar; sa Ormoc City at Taft, Eastern Samar. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

BABATNGON

BARANGAY HITANASAN UNO

BARANGAY NAGASAAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. NICOLAS BAUTISTA

EASTERN SAMAR

HITAASAN DOS

LEYTE

MIRIAM GARCIA DESACADA

SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with