^

Probinsiya

4 patay sa karambola ng sasakyan

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Kumpirmadong nasawi ang apat-katao, samantala, aabot naman sa 70 ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng South Luzon Expressway na sakop ng Barangay Soro-Soro, hangganan ng Biñan at Carmona kahapon ng umaga.

Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Noel Tugas ng Block 6 Lot 14 Cartier St., Molino Homes I Subdivision; Roberto Mendoza ng Bacoor, Cavite; Romeo Nueva ng Mamburao, Occidental Mindoro; at Elizabeth De Claro.

Samantala, kaagad namang isinugod sa Perpetual Medical Center, Biñan Doctors’ Hospital, Ospital ng Muntinlupa at Asia Medical Center ang mga sugatang pasahero ng Melissa Transit Bus (DWJ-442); Gold Trans Shuttle Bus (NYJ-360); RMSA Shuttle Bus (TWF-390) at Isuzu Elf (VAB-597) na may lulang mga baboy.

Kinilala naman ang 23 sa 70 pasaherong malubhang nasugatan na sina Luis Pablo, Rosalie Yumagma, Melma Caraig, Melody Busa, Evelyn Cantria, Carlo Cedillo, Vicente Reisa, Maria Teresa Torres, mag-asawang Elenita at Alfredo Alegre; Chita Mondia, Rico Dela Cruz, Anzelmo Santillan, Christian Magpantay, Noriel Cabatian, Arland Abrera, Sally Dumugan, Ramil Macaraig, Emelita Berroya, Teresa Solis, Allen Sta. Ana, Annabel Gayano at Flordeliza Sugun.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNCC, naitala ang aksidente bandang alas-5:45 ng umaga sa kahabaan ng nabanggit na highway.

Nahagip ng pampasaherong bus na may lulang mga factory worker ang isang sasakyan kaya nawalan ng kontrol at nagtuluy-tuloy sa kabilang panig ng highway at sumalpok sa kasalubong na bus.

Hanggang sa magsalpukan ang dalawa pang bus dahil hindi naman kaagad nakapagpreno. (Ulat ni Ed Amoroso)

ALFREDO ALEGRE

ALLEN STA

ANNABEL GAYANO

ANZELMO SANTILLAN

ARLAND ABRERA

ASIA MEDICAL CENTER

BARANGAY SORO-SORO

CARLO CEDILLO

CARTIER ST.

CHITA MONDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with