Barangay Chairman itinumba ng mga rebelde
February 9, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinaniniwalaang sumasalungat sa makakaliwang kilusan ang isang barangay chairman kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebelde habang ang biktima ay naglalakad sa Barangay Ampawid, Laak, Compostella Valley kamakalawa ng hapon.
Tadtad ng tama ng bala ng baril ang katawan ng biktimang si Johnny Quino ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang mga rebeldeng NPA na pinamumunuan ni Zosimo "Ka Makatin" Catarat ng front committe 34 ay palakad na tumakas patungo sa kagubatan ng naturang lugar.
May palagay ang pulisya na test mission ng mga bagong recruit na NPA ang mga pumaslang sa biktima para takutin ang taumbayan.
Naniniwala naman ang pulisya na isa lamang ang biktima na nasa listahan ng NPA na itutumba dahil sa pagsuporta sa gobyerno laban sa makakaliwang kilusan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest