^

Probinsiya

16 anyos na dalagita ni-rape ng kapitbahay

-
Atimonan, QuezonHindi na nagawang maitago pa ng isang 16 anyos na dalagita ang ginawang panghahalay rito ng kaniyang kapitbahay matapos na lumaki ang tiyan sa pagbubuntis sa Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Angie, 4th year high school student na may ilang buwan ng buntis matapos gahasain ng suspect na kinilalang si Joel Morales alyas Tisoy, 26, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Napag-alaman na matagal ng hinahalay ng suspect ang biktima subali’t pilit lamang nitong itinago ang insidente matapos na pagbantaang papaslangin.

Napilitan lamang umano ang biktima na ipagtapat ang kaniyang sinapit matapos na lumaki na ang tiyan nito.

Ang suspect ay nasamsaman rin ng isang converted cal. 22 pistol matapos madakip sa kaniyang tahanan sa isang follow-up operations ng pulisya. (Ulat ni Celine Tutor)

vuukle comment

ANGIE

ATIMONAN

BRGY

CELINE TUTOR

JOEL MORALES

NAPAG

NAPILITAN

QUEZON

SAN ISIDRO

TISOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with