^

Probinsiya

5 timbog sa shabu session

-
BALAGTAS, Bulacan – Limang kalalakihan ang dinakip ng mga alagad ng batas makaraang maaktuhan na nagsa-shabu session sa Florante Street, Barangay Panginay sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang limang suspek na pinaniniwalaang mga drug user at pusher na may apelyidong Santos ay nakilalang sina Reynaldo, 31; Dennis, 29; Marcos, 27; Edward, 24 at Marvin 23 na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sinabi ni P/Supt. Arthur Felix Asis, chief of police sa bayang ito, tumagal ng ilang linggo ang pagmamanman sa lima ng kanyang mga tauhan bago salakayin ang kanilang bahay.

Napag-alaman pa na si Marcos Santos ay tatlong beses nang nasasakote ng pulisya dahil sa pagbebenta ng shabu at ngayon ay nakabinbin ang kaso sa korte.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na shabu, mga aluminum foil at mga materyales na ginagamit sa shabu session. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

BARANGAY PANGINAY

BULACAN

EFREN ALCANTARA

FLORANTE STREET

LIMANG

MARCOS SANTOS

MARVIN

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with