^

Probinsiya

2 trader tiklo sa mga pekeng lapis

-
LUCENA CITY, Quezon – Dalawang negosyante ang iniulat na inaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulis-Lucena at operatiba mula sa kawanihan ng Aduana makaraang maaktuhang nagbebenta ng mga pekeng Mongol pencil sa Claro M. Recto Street sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na sina Yang Tong Hai, tubong mainland China, may-ari ng Limay Lee General Merchandiser at Fidel Aragon, 42, may-ari naman ng Leepong store at residente ng Markwet View Subdivision.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Danny Ramon E. Siongco, chief of police sa lungsod na ito, dinakip ang dalawang trader dahil sa reklamong isinampa ni Atty. Cesar Lopez Jr., legal counsel sa tunay na pabrika ng Mongol pencil.

Bumuo naman ng grupo si Siongco para kumpirmahin ang naturang reklamo.

Naging positibo nga ang paniniktik ng pulisya sa magkatabing tindahan ng dalawang suspek kaya isinagawa ang raid at nakumpiska ang 2,000 pirasong pekeng Mongol pencil at mark money na ginamit sa operasyon.

Tumanggi naman ang mga suspek na tukuyin ang pinagmumulan ng mga pekeng produkto.

Inihahanda naman ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa dalawang negosyante. (Ulat ni Tony Sandoval)

CESAR LOPEZ JR.

CLARO M

DANNY RAMON E

FIDEL ARAGON

LIMAY LEE GENERAL MERCHANDISER

MARKWET VIEW SUBDIVISION

RECTO STREET

SIONGCO

TONY SANDOVAL

YANG TONG HAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with