Binata pinatay ng 6 adik

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – May posibilidad na napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang 27-anyos na binata ng anim na lango sa droga habang ang biktima ay naglalakad sa madilim na bahagi sa panulukan ng Encarnacion at Captain Pepe Avenue sa Kapitan Pepe Subdivision sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Cabanatuan City General Hospital ang biktimang si Numeriano Pascual ng Purok 4, Barangay San Roque, San Leonardo, Nueva Ecija.

Isa sa mga suspek na si Ferdie Villagarcia ng Barangay San Rouqe, Bongabon ay tinutugis para papanagutin sa krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments