^

Probinsiya

2 NPA, kawal todas sa sagupaan

-
LEGAZPI CITY – Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang kawal ng militar ang kumpirmadong napatay sa sampung minutong sagupaan noong Martes ng hapon sa Barangay Mayon, Castilla, Sorsogon.

Kinikilala pa ng mga tauhan ni Col. Pedrito Magsino ng 901st Infantry Brigade ang dalawang NPA rebels, samantala, sa panig ng militar ay napatay naman si Private First Class Sonny Balboa ng Phil. Army na nakatalaga sa Monte Carmelo Patrol Base sa Barangay Monte Carmelo sa naturang lugar.

Ayon kay Magsino, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan na may mga armadong kalalakihan sa loob ng rice mill sa Sitio Cubao bandang alas-4:25 ng hapon noong Martes.

Kaagad namang tinungo ng tropa ng militar kasama ang ilang kasapi ng Civilian Armed Auxiliary (CAA) ang naturang rice mill ngunit sinalubong sila ng unang sunud-sunod na putok kaya napuruhan si Balboa.

Mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde makaraang malagasan ng dalawa.

Nakorner naman ang tatlong sugatang rebelde na sina Bienvenido Mirabel at Edwin Malaca habang ang isa ay dinala sa Estevez Memorial Hospital dahil sa matinding tama ng bala sa katawan at kasalukuyang inaalam ang pangalan. (Ulat ni Celso Amo)

vuukle comment

BARANGAY MAYON

BARANGAY MONTE CARMELO

BIENVENIDO MIRABEL

CELSO AMO

CIVILIAN ARMED AUXILIARY

EDWIN MALACA

ESTEVEZ MEMORIAL HOSPITAL

INFANTRY BRIGADE

MONTE CARMELO PATROL BASE

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with