^

Probinsiya

Namintas ng pangit pinatay

-
ANTIPOLO CITY Naging mitsa ng kamatayan ng isang 28-anyos na lalaki ang pamimintas nito ng pangit makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Binawian ng buhay noon din ang biktimang si Efren Manzano, ng Kamias St., Brgy. Bagong Nayon.

Mabilis namang tumakas ng suspek na kinilalang si Lopez Balicot, nasa hustong gulang at naninirahan din sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Carlito Reyes, ang krimen ay naganap sa harapan ng bahay ng isang kinilalang alyas Romy bandang alas-11 ng gabi.

Kasalukuyan nag-iinuman ang biktima at ang grupo ni Balicot nang magbiro ang una na pangit ang suspek dala na rin ng kalasingan na nauwi sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGONG NAYON

BALICOT

BINAWIAN

BRGY

CARLITO REYES

EFREN MANZANO

JOY CANTOS

KAMIAS ST.

KASALUKUYAN

LOPEZ BALICOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with