2 bebot todas sa salpok ng van
February 5, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Dalawang babae ang kumpirmadong nasawi, samantala, apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng van habang ang mga biktima ay naghihintay ng pampasaherong jeep sa Sitio Binuang, Brgy. Daguit Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Labo District Hospital sina Jeca Candelaria, 6; at Lea Gacho, 40, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Ginagamot naman sa ibat ibang ospital ang mga sugatang biktima na sina Raul Candelaria, Teresita Martinez, Rudy Travallo at Eva Villar na mga naninirahan din sa naturang lugar.
Naitala ang aksidente dakong alas-siyete ng umaga sa harap ng bahay ni Roque Candelaria habang ang mga biktima ay naghihintay ng masasakyang jeep.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nawalan ng kontrol ang van (XCH-254) na minamaneho ni Almario Villanueva, 34, ng Valenzuela City kaya nagtuloy-tuloy sa kinatatayuan ng mga biktima.
Kasalukuyan namang nakapiit si Villanueva at sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Casulla/Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest