^

Probinsiya

Nene pisak sa jeep

-
LUCENA CITY Nagmistulang kamatis na napisak ang katawan ng isang 3-anyos na batang babae matapos na masagasaan ng pampasaherong jeep habang ang biktima ay naglalaro sa gilid ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Isabang sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Danny Ramon Siongco, chief of police, ang biktima na si Nica Carillo. Kasalukuyan namang nakapiit ang driver ng jeep na si Romeo Briones, 32, may-asawa at residente ng Barangay Conception 1 Sariaya, Quezon.

Base sa imbestigasyon ni SPO4 Raul Avilla, naganap ang aksidente dakong alas-9:15 ng umaga habang naglalaro sa gilid ng kalye ang biktima.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, isang pasahero umano ang pumara sa tapat ng Red Rhytm Videoke Bar subalit sa paghinto ng sasakyan, di napansin ng driver ang naglalarong bata at tuluy-tuloy itong nagulungan ng unahan at hulihang gulong. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY CONCEPTION

BARANGAY ISABANG

DANNY RAMON SIONGCO

KASALUKUYAN

MAHARLIKA HIGHWAY

NICA CARILLO

RAUL AVILLA

RED RHYTM VIDEOKE BAR

ROMEO BRIONES

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with