^

Probinsiya

Lider ng sindikato ng droga todas sa barilan

-
CAMP CRAME Pinaniniwalaang lider ng sindikato ng droga ang iniulat na napatay, samantala, dalawa nitong tauhan ang naaresto makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na tropa ng militar at pulisya sa Andrada Subdivision, Barangay Banica, Roxas City kamakalawa ng umaga.

Si John Hope Balguma na imbes na sumuko sa mga alagad ng batas ay nakipagbarilan pa makaraang salakayin ang pinagkukutaan nito, samantala, nakorner naman sina John at Bernard Varquez ng naturang lugar.

Narekober ng mga awtoridad matapos ang isinagawang raid dakong alas-9 ng umaga ang tatlong baril, hindi nabatid na gramo ng shabu, 2 cellphone at iba’t ibang uri ng bala ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)

ANDRADA SUBDIVISION

BARANGAY BANICA

BARIL

BERNARD VARQUEZ

JOY CANTOS

NAREKOBER

PINANINIWALAANG

ROXAS CITY

SI JOHN HOPE BALGUMA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with