^

Probinsiya

Army commander niratrat ng NPA

-
CASTILLA, SorsogonIsang detachment commander ng Philippine Army (PA) ang nasawi makaraang barilin ito sa ulo ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na tumabi sa upuan nito habang lulan ng pampasaherong bus kahapon ng umaga sa bayang ito.

Ang biktima ay nakilalang si T/Sgt. Dominador Alcaide nakatalaga sa 2nd Infantry Battalion ng PA at detachment commander na nakabase sa Barangay Monte Carmelo sa nasabing bayan.

Batay sa ulat ni Col. Pedrito Magsino, 202nd IB brigade commander, bandang alas-9:45 ng umaga habang lulan ang biktima ng Queen Express bus patungong Barangay Cumadcad ng sumakay ang tatlong rebelde sa nasabing bus.

Isa sa mga NPA ang tumabi sa upuan ng biktima saka binaril ng kalibre 45 sa ulo ang sundalo na nagbunsod naman upang mag-panic ang iba pang pasahero at naglundagan sa nasabing sasakyan.

Nakasakay naman sa naturang bus si Pfc. Sonny Balboa na nakipagbarilan kaagad sa mga rebelde.

Nakatakas naman ang mga NPA matapos ang insidente habang narecover naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 at M-16 armalite. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY CUMADCAD

BARANGAY MONTE CARMELO

DOMINADOR ALCAIDE

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLES ARMY

PEDRITO MAGSINO

PHILIPPINE ARMY

QUEEN EXPRESS

SONNY BALBOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with