Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Leoncio Ibay, 30 anyos ng Barangay Castuli.
Batay sa ulat, natutulog umano ang biktima sa bahay nito ng biglang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga armadong kalalakihan.
Namatay noon din ang biktima sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Pinaghihinalaan ng mga residente na isang vigilante group ang pumaslang kay Ibay dahil sakit ng ulo umano ito sa kanyang lugar dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga. (Ulat ni Pesie Minoza)