12 mag-aaral minolestiya ng guro
January 27, 2003 | 12:00am
CUENCA, Batangas Naghihimas ng rehas na bakal ang isang music teacher na pinaniniwalaang "bading" makaraang ireklamo ng mga magulang, kapwa guro ang ginawang pangmomolestiya ng una sa labindalawang mag-aaral na batang lalaki sa Barangay Emmanuel sa bayang ito.
Magkakasamang dumulog sa himpilan ng Cuenca police station ang mga magulang mula sa Cuenca Central Elementary School upang ipagharap ng reklamong child abuse si Reynaldo Lunar, 42, ng nabanggit na barangay.
Sinabi ni P/Insp. Pedro Macaraig, hepe ng Cuenca police station na si Lunar ay hindi naman nanlaban habang inaaresto noong Miyerkules, bagkus ay kusang nagtungo sa himpilan ng pulisya upang iwasan ang matinding galit ng mga magulang ng biktima na may edad na 11 hanggang 14-anyos.
Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang pangyayari ay naganap sa mga biktima kapag naglalaro ng computer sa bahay ng suspek sa magkakahiwalay na okasyon.
Sa pahayag nina Victoria Dimaculangan, schools PTA president at Nora Galang, head ng Community Council of Elders, nalaman nila ang pangyayari matapos na maikuwento ng isang biktima sa kanyang classmate na babae na naikuwentro naman sa kanyang magulang.
Dito na lumantad ang mga biktimang menor-de-edad na bukod sa binabayaran daw ng P30 hanggang P50 ay pinanonood pa sila ng x-rated film.
Sa panayam kay Lunar, inamin nito na minolestiya niya ang dalawang biktima pero hindi niya ginalaw ang natitirang sampu.
Humingi naman ng paumanhin si Lunar sa mga magulang ng bata subalit itinuloy pa rin ang kaukulang kaso laban sa suspek. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest