Army major dinedo ng NPA
January 24, 2003 | 12:00am
TACLOBAN CITY Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Army major ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army habang ang biktima ay nakatayo sa labas ng barberya sa Catarman, Samar kamakalawa.
Napuruhan sa ulo ang biktimang si Major Danilo Tejada Billion ng 803rd Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Camp Sumuroy sa Catarman.
Samantala, tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawang sibilyang sina Flor Monica, guro sa elementarya sa Palapag at Rogelio Dones, isang pedicab drayber.
Napag-alaman sa ilang nakasaksi sa pangyayari na palakad na lumayo ang apat na rebelde na animoy walang nangyari matapos isagawa ang krimen.
Sinabi naman ni P/Supt. Alberto Mendador, Northern Samar police director, base na rin sa nakalap nilang intelligence report na si Billion ay matagal ng pinupuntirya ng mga tauhan ng Rodante Urtal Command ng NPA dahil sa pagiging aktibo ng biktima sa operasyon laban sa makakaliwang kilusan. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest