Kinilala ni Lt. Gen. Gregorio Camiling, Philippine Army chief, ang sumukong lider ng MILF ay si Kumander Dimasangkay Demauga alyas "3 K".
Kasama ring sumuko sa pamahalaan ni Kumander 3 K ang kanyang mga sub-commanders na sina Mama Landok alyas Rambo, Tungkoguro alyas Matanog, Haji Abdulah Domatao, Dodi Maro alyas Bin Muslim, Diaw Landok at Abel Anaon.
Isinuko rin ng mga rebelde ang dalawang M-14 rifles, 3 M-16 rifles, 2 rifle propelled grenade, 22 garand rifles, 10 carbine, isang machine gun, isang 79 grenade launcher,2 kalibre 45 baril, 2 shotgun,apat na kalibre 22 rifle at mga bala. (Kuha ni Danilo Garcia)