Mag-amo sinuyod ng van
January 23, 2003 | 12:00am
GEN. TRIAS, Cavite Isa katao ang nasawi habang nasa kritikal ang amo nito matapos suyurin ng van habang nagbababa ito ng kanilang karne mula sa kanilang sasakyan kahapon ng madaling araw sa Barangay Tejeron ng bayang ito.
Ang biktimang hindi umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang si Narciso de Vega, 52 anyos, driver at nakatira sa Tanza, Cavite habang nasa kritikal na kondisyon naman ang amo nitong si Danilo Rojas, 48 anyos, may-asawa, negosyante at nakatira sa bayang ito.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Eutiquio Blanco, 51 anyos, sheriff ng 2432 Tenorio St., Maynila matapos ang insidente.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-4:35 ng madaling araw habang abala sa pagdidiskarga ng karne mula sa kanilang nakaparadang sasakyan ang mag-amo sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar nang biglang suyurin ito ng Mitsubishi van na may plakang XDJ-787 na minamaneho ni Blanco.
Ikinatwiran ng suspek na nasilaw siya sa ilaw ng kasalubong na sasakyan kaya hindi niya napansin na nasuyod ng kanyang van ang mga biktima.
Namatay sa insidente si De Vega habang nasa kritikal na kondisyon sa Tanza Family Clinic ang biktimang si Rojas samantala, kusang-loob na sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homicide. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest