Ito ang mariing ipinahayag ni Dr. Cristina P. Magno, pangulo ng Pediatrics Department sa General Emilio Memorial Hospital matapos na maging pangunahing tagapagsalita sa Cavite Provincial Capitol sa Trece Martirez City noong Enero 20, 2003.
Pinayuhan ni Dr. Magno ang mga residenteng naninigarilyo sa Cavite na magkaroon ng matibay na determinasyon at seryosohin upang mapigil ang kanilang bisyo para na rin sa kanilang kalusugan, samantala, ang iba naman na walang bisyo hanggat maaari ay kailangan umiwas sa usok na dulot ng sigarilyo.
Idinagdag pa ni Dr. Magno na kailangan ang tulong ng mga lokal na pamahalaan ng pagpasa at ipatupad ang ordinansa laban sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Nagpahayag naman ng suporta si Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi sa tinuran ni Dr. Magno dahil sa pagsusulong sa kalusugan ng mga mamamayan sa Cavite at nangakong imumungkahi sa Sangguniang Panlalawigan ng pagpasa ng ordinansa laban sa mga naninigarilyo sa pampublikong lugar. (Ulat ni Mario D. Basco)