^

Probinsiya

Kanser sa baga No. 1 sakit sa Cavite

-
Isa sa pangunahing sakit na kumakalat ngayon sa Cavite ay ang kanser sa baga sanhi ng pagdagsa ng mga mamamayang naninigarilyo partikular na ang mga kabataang mag-aaral sa mataas at mababang paaralan sa iba’t ibang bayan sa nabanggit na lalawigan.

Ito ang mariing ipinahayag ni Dr. Cristina P. Magno, pangulo ng Pediatrics Department sa General Emilio Memorial Hospital matapos na maging pangunahing tagapagsalita sa Cavite Provincial Capitol sa Trece Martirez City noong Enero 20, 2003.

Pinayuhan ni Dr. Magno ang mga residenteng naninigarilyo sa Cavite na magkaroon ng matibay na determinasyon at seryosohin upang mapigil ang kanilang bisyo para na rin sa kanilang kalusugan, samantala, ang iba naman na walang bisyo hangga’t maaari ay kailangan umiwas sa usok na dulot ng sigarilyo.

Idinagdag pa ni Dr. Magno na kailangan ang tulong ng mga lokal na pamahalaan ng pagpasa at ipatupad ang ordinansa laban sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Nagpahayag naman ng suporta si Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi sa tinuran ni Dr. Magno dahil sa pagsusulong sa kalusugan ng mga mamamayan sa Cavite at nangakong imumungkahi sa Sangguniang Panlalawigan ng pagpasa ng ordinansa laban sa mga naninigarilyo sa pampublikong lugar. (Ulat ni Mario D. Basco)

CAVITE

CAVITE GOVERNOR ERINEO

CAVITE PROVINCIAL CAPITOL

DR. CRISTINA P

DR. MAGNO

GENERAL EMILIO MEMORIAL HOSPITAL

MARIO D

PEDIATRICS DEPARTMENT

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with