^

Probinsiya

Chopper crash: 4 crew ng Dos at Siyete sugatan

-
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang siyam-katao kabilang na ang apat na crew ng ABS-CBN at GMA-7 makaraang bumagsak ang sinasakyang chopper sa Mt. Williams na sakop ng Barangay Mahangon Villa Floresta ng lungsod na ito kahapon ng tanghali.

Kinilala ng pulis-San Jose ang mga biktimang sina Paul Henson, reporter; Boc dela Cruz, cameraman at kapwa crew ng television network ng ABS-CBN; Jiggy Manicad, reporter; Boy Gonzales, cameraman na kapwa crew naman ng GMA-7; Major Vicente Tomas, Lt. Melvin Magbanua at S/Sgt. Robinson Escaño, 1Lt. Paul Infante, pilot at S/Sgt. Joseph Albayda.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, patungo sana ang chopper mula sa Camp Servillano Aquino, Tarlac sakay ang mga biktima sa nadiskubreng mass grave ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa nabanggit na barangay.

Bandang alas-12 ng tanghali nang biglang lumakas ang ihip ng hangin at humampas sa chopper na nagresulta upang mag-crash sa naturang lugar.

Pawang nakaligtas naman ang mga biktimang sugatan sa tulong ng mga nagrespondeng rescue team ng PAF maliban kay Dela Cruz na nagtamo ng malaking sugat sa mukha na ginamot sa San Jose City General Hospital.

Samantala, sa ulat ng militar na ang pupuntahan ng mga nakaligtas na biktima sa bumagsak na chopper ay ang pinaglibingan kay Aglipayan Pastor Dakila Lopez, 50 na dinukot ng mga rebelde noong Mayo 22, 2001 at sampu pang ibang hindi nakilala.

Ayon pa sa ulat, ang pagkakadiskubre sa mass grave ay base na rin sa ibinigay na impormasyon ng dating suporter ng NPA. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGLIPAYAN PASTOR DAKILA LOPEZ

BARANGAY MAHANGON VILLA FLORESTA

BOY GONZALES

CAMP SERVILLANO AQUINO

DANILO GARCIA

DELA CRUZ

JIGGY MANICAD

JOSEPH ALBAYDA

MAJOR VICENTE TOMAS

MELVIN MAGBANUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with