^

Probinsiya

2 kilong bigas, ransom sa ginang na dinukot ng NPA

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Dalawang kilong bigas at P500 ang kapalit ng kalayaan ng isang misis na dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Cheey, Busuanga, Palawan kahapon ng umaga.

Kasalukuyang nasa custody nina Mayor Samuel de Jesus at Palawan Provincial director P/Sr. Supt. Michael Garraez, ang biktimang si Celina Abaring, 45, ng Sitio Manet ng nabanggit na barangay.

Sa ulat na nakalap ng PSN mula kay P/Sr. Supt. Medardo Apacible, MIMORAPA Regional director, dinukot ang biktima noong Linggo ng umaga bandang alas-9 at pinalaya lamang ng mga rebelde kinabukasan.

Sa salaysay ni Abaring sa mga awtoridad, humihingi ng limang sako ng bigas at P5,000 subalit nagbigay naman ng dalawang kilo ang asawa ng biktima kaya kaagad namang pinalaya ang babae.

Pinayagan ng mga rebeldeng makalaya ang biktima upang dalhin ang natitirang tatlong sakong bigas at P4,500 subalit hindi na nagbalik pa at bagkus ay ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang ibinigay na pahayag ng biktima na pawang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dumukot sa kanya o pangkaraniwang sibilyan na nagpanggap na NPA rebels.

Kaagad namang dinispatsa ang tropa ng militar at pulisya dahil sa natanggap na impormasyon na may namataang mga rebelde sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY CHEEY

CELINA ABARING

ED AMOROSO

KASALUKUYANG

MAYOR SAMUEL

MEDARDO APACIBLE

MICHAEL GARRAEZ

NEW PEOPLE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with