Medical student kinidnap
January 20, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Pinaniniwalaang grupo ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom ang kumidnap sa isang medical student sa Cagayan de Oro City noong Miyerkules, Enero 15, 2003.
Sa nakarating na ulat kahapon sa Camp Crame, humihingi ang mga kidnaper ng P100,000 hanggang P250,000 kapalit ng kalayaan ni Arlou Joseph Dia, 26, ng Gaisano City, Recto Avenue, Cagayan de Oro City.
Ang mensahe ng mga kidnaper ay ipinarating sa pamamagitan ng text message sa ina na si Dra. Vicitacion Dia na nakipag-ugnayan naman sa mga ahente ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER).
Nagawa namang makausap ng ina ang kanyang kinidnap na anak at nagsabing dinala siya sa kagubatan ng Marawi City na ngayon ay sinusuyod ng mga awtoridad upang mailigtas ang biktima.
Napag-alaman pa na inatasan ang ina ng biktima na ideposito ang ransom money sa ATM card ng kanyang anak kapalit ng paglaya nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest