3 mangangaso tinigok ng mga bandido

ZAMBOANGA — Tatlong mangangaso ang iniulat na dinukot bago pinatay ng mga bandidong Muslim habang ang mga biktima ay namamaril ng ibon sa kagubatang sakop ng Kalawit, Zamboanga del Norte noong Martes, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang bangkay ng tatlo ay natagpuan ng kapwa nila mangangaso na nakabitin sa puno at tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala pang malinaw na motibo sa naganap na pamamaslang maliban sa kumakalat na balita na puntirya ng mga bandidong Muslim ang mga mangangasong Kristiyano na napapadpad sa naturang lugar. (AFP)

Show comments