6 rebelde dedo sa bakbakan
January 19, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Anim na rebeldeng New Peoples Army (NPA) kabilang na ang tatlong kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na nasawi makaraang makipagsagupaan sa tropa ng militar sa magkahiwalay na lalawigan kamakalawa.
Bandang alas-12 ng hatinggabi nang makasagupa ng 8th PA Special Forces Battalion na nakabase sa Mati, Davao Oriental ang grupo ng may 50 rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Crossing Bisay, Barangay Binondo, Banganga, Panacan, Davao City.
Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na NPA na sina Rodel "Wency" Ando, 21, lider ng District Guerilla Unit 2 Front Committee 15; Russel "Jomar" Tandog, 17; at John Ambasan, 18-anyos.
Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, tumagal ang bakbakan ng may 40 minuto saka nagsitakas ang mga rebelde makaraang matunugang may dumarating na back-up na militar.
Kasunod nito, nagkaroon din ng bakbakan sa pagitan ng militar at rebeldeng MILF sa kagubatan ng Barangay Malalis, Sultan Dumalondong, Lanao del Sur kamakalawa ng umaga.
Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga rebeldeng MILF, samantala, nakilala naman ang nasugatang kawal na sina Corporal Hermogenes Barazon at Pfc. Richard Perez na ginagamot sa Sanitarium Hospital sa Iligan City.
Naitala ang bakbakan dakong alas-6 ng umaga habang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng 29th Infantry Battalion ng Phil. Army hanggang sa bumulagta ang tatlong rebelde na pinaniniwalaang iniwan ng kanilang mga kasamang nagsitakas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended